Mula pa sa Betania naghiwalay

C758 CB958 D958 E958 F183 G958 K758 P483 S438 T958
1
Mula pa sa Betania naghiwalay,
Puso ko'y may hungkag walang humpay;
Wala ka pa'no akong magtamasa?
Pa'no kong tutugtugin ang alpa?
Sa gabi nag-iisang nagpupuyat.
Namanhid sa pighati o galak,
Nagunita pangako mong babalik
Bakit di kapa nagpapakita? Bakit?
2
Saad ng sabsaban walang bahay 'ko
Krus mo inalis panlupang aliw ko
Pagbalik Mo sanhi ng 'king paghanap
Isang higit na mabuting siudad
Nawalan ng lasa 'king kagalakan?
Magmula ng ikaw ay lumisan.
Ang kahungkagan aking damang-dama
Nawa bumalik ka na't huwag mag-antala.
3
Bagam't batid ko nga Iyong presensya,
Subalit sa puso ko'y kulang pa.
May pagliliwanag, may pagtutustos.
Balik ka na! Siya ko di malubos!
Bagamat may kapayapaan sa lo'b,
Ngunit nararamdaman ko ang lungkot
Kapag may dama akong kasiyahan
Puso ko nais makita kang mukhaan.
4
Sinong tinapon 'di hangad bayan niya,
Batiin sariling tao di nasa?
Anong kaluluwa magkakalimot
Anong kaluluwa di maggunita
Sino sa bayan niya'y di maggunita
Nang Siya'y nasa lupaing banyaga?
'Nong maihambing ng panlupang aliw
Sa pagbalik Mo Panginoon magiliw?
5
Makalimutan kaya Iyong pangako?
Ika'y babalik ko'y kunin Mo?
Subali't araw at taon naghintay,
Pagbabalik Mo 'di pa masilay,
Iyong gunitain ang aking paghintay
Habang yapak Mong mahal nagbayad
Ga'no pang katagal aking paghintay,
Nang makita mal'walhati Mong pagsilay?
6
O henerasyon kada henerasyon,
Banal Mo'y dumating at yumaon,
Pangako Mo maisakatuparan,
'Nong katagal na kapanahunan.
Bakit hindi namin maulilinigan
Yapak Mo mula sa kalangitan?
Dapat bang patagalin 'ming paghintay
Bago ihayag glorya'y walang kapantay?
7
Ginunita Mo maraming taon na
Ako'y naghintay—'di nag-iisa;
Mga banal ng 'raming henerasyon
Sum'sama sa Iyong pagbalik ngayon.
Mabilis Mong pagbalik tugunan Mo;
Di mabilang na luha't pagsamo;
O alingawngaw ng kapanahunan
Bumalik ka na aming hiyaw pakinggan!