Ating malwalhating hari

C9904 E904 LSM265 P422 R542 S405 T904
1
Ating malwalhating hari;
Kanyang trono’y kalangitan;
Mundo’t mga kaharian
Setrong angkin  nasakupan.
Sa pagsubok ng bayan Niya,
Siya’y nanahan, inibig Niya;
Para sa Kanyang gawain,
Kabigatan Niya’y pasanin.
2
Kay Haring Hesus manahan;
Ito’y aking nasumpungan;
Nang binuksan ang puso ko
Naging templo Niya at  trono.
Galak ng Kanyang presensya
Sa pag-upo ni Maria,
Ganap na kapahingahan,
Paghilig sa Kanya ni Juan.
3
Manahan, makibahagi,
Sa gawa’t plano ng hari,
Kaharian, kaligtasan,
Dalhin, ang tao’y sabihan.
Mundo man may gawa’t premyo
Kalugihan tinuring ko;
Ang Krus lamang Niya’t gawain
Ang mensahe ko’t tungkulin.
4
Ako’y manahan sa Hari
Kanyang gawa ay di akin;
Para sa ‘kin Kanyang plano
Punuan lakas dibino.
Tungkulin, panalangin ko,
Naglugod, puri’y awitin
Sa lakas ng aking Hari
Gawin ang Kanyang gawain.
5
Tayo’y manahan sa Hari
Para sa Kanyang gawain;
Pagdaan ng bawa’t araw
Ang Hari’y baka lumitaw.
O, malapit ng abutin
O, marangal na gawain
Kasamang Hari’y manahan
Sa gawaing walang hanggan.