Sa dalawang punong-kahoy

C529 CB733 E733 G733 K529 P336 R490 S305 T733
1
Sa dalawang punong-kahoy,
Hinarap ng Diyos ang tao;
Sa buhay, sagisag ng Diyos,
Sa kasalanan, ng diyablo.
2
Puno ng buhay ang sentro
Ng sakdal na plano ng Diyos,
Diyos sa lo'b ni Kristo'y buhay,
Matanggap ng taong lubos.
3
Ang puno ng kaalaman,
Nagbibigay ng babala,
Liban sa Diyos, may isa pa,
Sa kamatayan mag'dala.
4
Puno ng buhay kainin,
Diyos bilang buhay tanggapin,
Matransporma maging bato,
Layunin ng Diyos tuparin.
5
Kaalamang puno ka'nin,
Dyablo papasok sa tao,
Bilang sala patayin siya,
Nang di niya matupad plano.
6
'Pinapakita Diyos lamang,
Ang pinagmulan ng buhay;
Ang hipuin pa ang iba,
Tao'y sinanhing mamatay.
7
Kaalaman, buti't sama,
Ang dala'y kamatayan nga;
Anuman maliban sa Diyos
Kay Satanas na pakana.
8
Masama man o mabuti
Pawang kalaban ni Kristo,
Basta't buhat sa kaal'man
Kinakalaban si Kristo.
9
Pangino'n turuan kami;
Buhay Mo lamang hipuin;
Hindi ang buti o sama,
Ikaw lamang kaugnayin.