1a Nang nasa Lumang Tipan pa

C532 CB736 E736 G736 K532 P339 R426 S308 T736
 
1a Nang nasa Lumang Tipan pa,
Utos ng Diyos inukit na;
Di sa malambot na puso,
Kundi inukit sa bato.
 
1b Datapwa't sa Bagong Tipan,
Utos ng buhay nasaan?
Hindi sa tapyas ng bato
Kundi sa puso ng tao.
2
Utos ng titik may gusto,
Magpakabuti ang tao;
Utos ng buhay may tustos,
Natamasa lakas ng Diyos.
3
Panlabas utos na titik,
Nang sa Diyos tayo'y may batid;
Panloob utos ng buhay
Pahayag ng Diyos mataglay.
4
Patay na utos sa titik
Ang mag-utos lang ang batid;
May alam utos ng buhay,
Mamuno sa daang buhay.
5
Kumilos utos ng buhay,
Sa loob ko nga nang buhay;
Damdamin ng buhay sundin
Namamahala sa akin.
6
Ang pamamahala'y pino
Nasa kaibuturan ko;
Dala'y damdamin ng buhay
Diyos Mismo sa 'kin 'binigay.
7
Dahil sa utos ng buhay,
Turong panlabas hiwalay;
Buhay kabatiran sa Diyos,
Sa lo'b turo nitong utos.
8
Turuan akong kumilos,
Ayon sa buhay na utos;
Sundin pamamahala Niya,
Nang Ikaw ay makilala.