1
Sa atin ang Diyos nga ay nagkaloob,
Manalig, kapangyarihan, pangako;
Nanalig, tumanggap, tatlo'y natamo
Sa ganito ay gugulang, lalago.
Manalig, kapangyarihan, pangako;
Nanalig, tumanggap, tatlo'y natamo
Sa ganito ay gugulang, lalago.
2
Pananampalatayang mahalaga,
Walang hanggan tayong nahahawakan,
Sang-ayon ma't hindi, hinahawakan
Araw-araw hanggang sa walang hanggan.
Walang hanggan tayong nahahawakan,
Sang-ayon ma't hindi, hinahawakan
Araw-araw hanggang sa walang hanggan.
3
Dakilang pinagmulan, kapangyar'han,
Gumagawa sa 'tin kapangyarihan,
Buhay para sa ating kalooban,
Pagkamakadiyos ay sa kahayagan.
Gumagawa sa 'tin kapangyarihan,
Buhay para sa ating kalooban,
Pagkamakadiyos ay sa kahayagan.
4
Pangako, bahagi ng tinawag Niya,
Pangako, dakila at mahalaga;
Kalikasan ng Diyos bahagi natin,
Sa kabulukan ng mundo'y ligtas din.
Pangako, dakila at mahalaga;
Kalikasan ng Diyos bahagi natin,
Sa kabulukan ng mundo'y ligtas din.
5
Kristo'y lakas sa espiritu natin,
Siyang Salita — pangako ng Diyos natin;
Espiritu't Salita, kaugnayin,
Lalago pagtawag, basa't dalangin.
Siyang Salita — pangako ng Diyos natin;
Espiritu't Salita, kaugnayin,
Lalago pagtawag, basa't dalangin.
6
Pananampalataya, kapangyar'han,
Pangako, tatlo'y ating kagamitan;
Lalago ang binhi ng pananalig,
Hahantong maging bunga ng pag-ibig.
Pangako, tatlo'y ating kagamitan;
Lalago ang binhi ng pananalig,
Hahantong maging bunga ng pag-ibig.
7
Sa paglago ng binhi, marami nga
Panginoong Hesus magkakabunga.
Panginoon pa rin ang pinagmulan
Kaya hindi dapat Siyang kalimutan.
Panginoong Hesus magkakabunga.
Panginoon pa rin ang pinagmulan
Kaya hindi dapat Siyang kalimutan.
8
Kasipagan, araw-araw lalago,
Kasigasigan, paghirang, pihado
Sa binhing ito makipagkaisa,
Kahariang mayaman pasukin nga.
Kasigasigan, paghirang, pihado
Sa binhing ito makipagkaisa,
Kahariang mayaman pasukin nga.
9
Sarili namin sa Iyo binibigay,
Pananalig, lakas Mo'y ipamuhay,
Pangako Mo aming panghawakan pa,
Sa Iyong biyaya kami'y makiisa.
Pananalig, lakas Mo'y ipamuhay,
Pangako Mo aming panghawakan pa,
Sa Iyong biyaya kami'y makiisa.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?