Sa dalawang punong-kahoy
Sa dalawang punong-kahoy
1
|
Sa dalawang punong-kahoy, Hinarap ng Diyos ang tao; Sa buhay, sagisag ng Diyos, Sa kasalanan, ng diyablo. |
2
|
Puno ng buhay ang sentro Ng sakdal na plano ng Diyos, Diyos sa lo’b ni Kristo’y buhay, Matanggap ng taong lubos. |
3
|
Ang puno ng kaalaman, Nagbibigay ng babala, Liban sa Diyos, may isa pa, Sa kamatayan mag’dala. |
4
|
Puno ng buhay kainin, Diyos bilang buhay tanggapin, Matransporma maging bato, Layunin ng Diyos tuparin. |
5
|
Kaalamang puno ka’nin, Dyablo papasok sa tao, Bilang sala patayin siya, Nang di niya matupad plano. |
6
|
’Pinapakita Diyos lamang, Ang pinagmulan ng buhay; Ang hipuin pa ang iba, Tao’y sinanhing mamatay. |
7
|
Kaalaman, buti’t sama, Ang dala’y kamatayan nga; Anuman maliban sa Diyos Kay Satanas na pakana. |
8
|
Masama man o mabuti Pawang kalaban ni Kristo, Basta’t buhat sa kaal’man Kinakalaban si Kristo. |
9
|
Pangino’n turuan kami; Buhay Mo lamang hipuin; Hindi ang buti o sama, Ikaw lamang kaugnayin. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?