1
Mahal Kita, Hesus, Ikaw ay akin;
Layaw ng sala'y itatakwil ko rin;
Manunubos, Manliligtas sa akin,
Kung mahal man Kita, Hesus, ngayon na!
Layaw ng sala'y itatakwil ko rin;
Manunubos, Manliligtas sa akin,
Kung mahal man Kita, Hesus, ngayon na!
2
Mahal Kita, una 'kong minahal Mo;
Binayaran utang ko sa Kalbaryo;
Tinik ang ipinutong sa ulo Mo,
Kung mahal man Kita, Hesus, ngayon na!
Binayaran utang ko sa Kalbaryo;
Tinik ang ipinutong sa ulo Mo,
Kung mahal man Kita, Hesus, ngayon na!
3
Mahal Kita, hanggang sa kamatayan;
Habang may hininga, 'Ka'y papurihan;
Ito'y maging huli kong panambitan,
Kung mahal man Kita, Hesus ngayon na!
Habang may hininga, 'Ka'y papurihan;
Ito'y maging huli kong panambitan,
Kung mahal man Kita, Hesus ngayon na!
4
Sa walang hanggang kaluwalhatian;
Sasambahin Kita magpakailanman;
May maningning na putong at awitan,
Kung mahal man Kita, Hesus, ngayon na!
Sasambahin Kita magpakailanman;
May maningning na putong at awitan,
Kung mahal man Kita, Hesus, ngayon na!
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?
Cauayan, Isabela, Philippines
I love you papa Jesus thank you to all blessings