Sa bilad ng araw nangingitim

C440 E598 K440 T598
1
Sa bilad ng araw nangingitim,
Anak ng liwanag marilag din;
Hiwaga ng galak, di-mabatid,
Mal'walhating Hari ang naghatid.
Di-naisip ng tao man,
Ni kailanman nahawakan;
Sa liwanag nanahanan,
Natamo'y kal'walhatian.
2
Lahi lamang ni Adam sa tingin,
Pilat, anyo't sakit panlupa rin;
Tulad ng natisod na maysala,
Panlabas na kailangan di iba.
Pamumuhay panlupa rin,
Natutulog, kumakain;
Subali't walang halaga,
Ang panlupa sa kanila.
3
May buhay ng Diyos sa loob nila,
Muling 'sinilang ng Salita Niya;
Dibinong pag-ibig nagpaalab,
Sa anak ng Bagong Herusalem.
Banal ng liwanag sila,
Papuring awit kinanta;
Dakilang Diyos pinagbunyi,
Sa kahanga-hangang himig.
4
Lakad sa lupa, tahan sa langit,
Walang lakas nguni't namahala;
May hirap nga nguni't may payapa,
Dukha man, lahat ay sa kanila.
Binagbag hindi napuksa,
Nakaugat sa ligaya;
Nasa lilim ng kam'tayan,
Nguni't buha'y walang hanggan!
5
Kristo buhay nila magpakita,
Dala ang pagkahari at glorya;
Glorya nilang matagal nang kubli,
Mahahayag walang pasubali.
Kristo kasamang aakyat,
Sa langit magliliwanag;
Kubling liwanag sisilay,
Bawa't banal gaya'y araw.