1
O hipan Mo kami, habang naghihintay,
Lakas ng hangin Mo, laya'y ibibigay,
Hipan Mo hanggang sa kami'y mabubuhay,
Hipan kami, Panginoon!
Lakas ng hangin Mo, laya'y ibibigay,
Hipan Mo hanggang sa kami'y mabubuhay,
Hipan kami, Panginoon!
Panginoon, kami'y hipan,
Iyong alisin katamaran,
Hangin Mo'y dumating,
pag-urong wakasan,
Panginoon, kami'y hipan!
Iyong alisin katamaran,
Hangin Mo'y dumating,
pag-urong wakasan,
Panginoon, kami'y hipan!
2
Hipan ng pag-ibig, puso kong malamig,
Sa buong kalul'wa, hanging makalangit;
Hipan hanggang kami'y lubusang uminit,
Hipan kami, Panginoon!
Sa buong kalul'wa, hanging makalangit;
Hipan hanggang kami'y lubusang uminit,
Hipan kami, Panginoon!
Panginoon, kami'y hipan,
Iyong alisin katamaran,
Hangin Mo'y dumating,
pag-urong wakasan,
Panginoon, kami'y hipan!
Iyong alisin katamaran,
Hangin Mo'y dumating,
pag-urong wakasan,
Panginoon, kami'y hipan!
3
Hipan Mo nang lubos, 'spiritu'y lalakas,
Buhayin, puspusin kami ng Iyong atas,
Hipan hanggang kami'y pawang nagniningas,
Hipan kami, Panginoon!
Buhayin, puspusin kami ng Iyong atas,
Hipan hanggang kami'y pawang nagniningas,
Hipan kami, Panginoon!
Panginoon, kami'y hipan,
Iyong alisin katamaran,
Hangin Mo'y dumating,
pag-urong wakasan,
Panginoon, kami'y hipan!
Iyong alisin katamaran,
Hangin Mo'y dumating,
pag-urong wakasan,
Panginoon, kami'y hipan!
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?