1
Pumasok tayo sa tahanan ng Diyos;
Kung saan ang tubig ay umaagos.
Araw man o gabi, tuloy ang agos,
Dinidiligan tayo't nagtutustos.
Kung saan ang tubig ay umaagos.
Araw man o gabi, tuloy ang agos,
Dinidiligan tayo't nagtutustos.
2
Umaagos mula sa templong ito,
Ang buhay na dala, para sa mundo.
Sana ay pakinggan ang aming samo;
Kaming lahat nawa ay puspusan Mo.
Ang buhay na dala, para sa mundo.
Sana ay pakinggan ang aming samo;
Kaming lahat nawa ay puspusan Mo.
3
Sukatin Mo kami sa araw-araw;
Sukatin Mo kami hanggang umapaw,
Hanggang sa makita, ilog ng buhay,
Bumaha't lahat kay Kristo'y magtaglay.
Sukatin Mo kami hanggang umapaw,
Hanggang sa makita, ilog ng buhay,
Bumaha't lahat kay Kristo'y magtaglay.
4
Sa agos na ito, nawa'y dalhin Mo;
Minsan at minsan pa, dito magtungo.
Hanggang sa ang tubig, malanguyan ko,
At kami'y mababad sa biyaya Mo.
Minsan at minsan pa, dito magtungo.
Hanggang sa ang tubig, malanguyan ko,
At kami'y mababad sa biyaya Mo.
5
Ang lahat, ang lahat ay mabubuhay;
Sa ilog na dala'y tubig ng buhay.
Masaganang buhay-sanhi'y magbunga,
Sa bawa't lokalidad, ng ekklesia!
Sa ilog na dala'y tubig ng buhay.
Masaganang buhay-sanhi'y magbunga,
Sa bawa't lokalidad, ng ekklesia!
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?