Bubuhos ang pagpapala

B151 Cs138 E260 T260
1
Bubuhos ang pagpapala:
Pangako ng pagsinta;
Ginhawang buhat sa 'taas,
Hatid ng Manliligtas.
 
Kami'y buhusan,
Pagpapalang mayaman;
Di patak ng awa lamang,
Bagkus pagpa'lang ulan.
2
May pagpapalang bubuhos -
O panauling lubos;
Sa burol, lambak—aagos,
Wala nang paghikahos!
 
Kami'y buhusan,
Pagpapalang mayaman;
Di patak ng awa lamang,
Bagkus pagpa'lang ulan.
3
May pagpapalang bubuhos;
Kami'y padalhan, O Diyos!
Bigyang pagpapanariwa,
Tupdin ang Iyong Salita.
 
Kami'y buhusan,
Pagpapalang mayaman;
Di patak ng awa lamang,
Bagkus pagpa'lang ulan.
4
May pagpapalang bubuhos;
Nawa'y ngayon ibuhos;
Habang sa Diyos nagpahayag,
Kay Hesus tumatawag!
 
Kami'y buhusan,
Pagpapalang mayaman;
Di patak ng awa lamang,
Bagkus pagpa'lang ulan.
5
May pagpapalang bubuhos;
Magtiwala't sumunod;
Mayroong kaginhawahan,
Kung Diyos ay bigyang-daan.
 
Kami'y buhusan,
Pagpapalang mayaman;
Di patak ng awa lamang,
Bagkus pagpa'lang ulan.