1
Bethlehem, ating lakaran
Puso’y sa Diyos ’tinakda;
Kay Hesus ay natututo,
Habang pisngi’y may luha;
’Pagka’t kwadra at sabsaban
Di maganda sa mata,
Ngunit susunod kay Hesus,
Kung gusto’y gantimpala.
Puso’y sa Diyos ’tinakda;
Kay Hesus ay natututo,
Habang pisngi’y may luha;
’Pagka’t kwadra at sabsaban
Di maganda sa mata,
Ngunit susunod kay Hesus,
Kung gusto’y gantimpala.
2
Nazareth ang daraanan,
Kumikitid nang lalo;
Di ka’gad maunawaan,
Ngunit Diyos nagtuturo;
Na lingkod ay di hihigtan
Ang Poon niya, na noo’y
Dinusta’t binale-wala,
Magdusa ma’y, sundan Siya!
Kumikitid nang lalo;
Di ka’gad maunawaan,
Ngunit Diyos nagtuturo;
Na lingkod ay di hihigtan
Ang Poon niya, na noo’y
Dinusta’t binale-wala,
Magdusa ma’y, sundan Siya!
3
Sa Galilea Siya’y masdan:
Binato at ’sinumpa;
Mali kaya Kanyang daan?
Bakit labis hirap Niya?
Di mali, may payapa Siya,
Bakong daan ating din
Lalakaran nang gaya Niya,
Layuni’y di mabimbin.
Binato at ’sinumpa;
Mali kaya Kanyang daan?
Bakit labis hirap Niya?
Di mali, may payapa Siya,
Bakong daan ating din
Lalakaran nang gaya Niya,
Layuni’y di mabimbin.
4
Kasunod sa Getsemani,
Labis Siyang pinighati;
Hukbo ng dyablo’y nang-api,
Kay lagim na paligid.
Tayo ma’y natisod dili,
Mga anghel nagsabi,
“Mahal, masdan ang l’walhati,
Labanan ay maikli.
Labis Siyang pinighati;
Hukbo ng dyablo’y nang-api,
Kay lagim na paligid.
Tayo ma’y natisod dili,
Mga anghel nagsabi,
“Mahal, masdan ang l’walhati,
Labanan ay maikli.
5
At sa Krus! do’n sa Kalbaryo,
Maharlika’y tutungo,
Kasama Niya sa kahi’yan,
Hindi uurong tayo.
Pagd’rusa nati’y maikli,
’Pag dumating Siyang muli;
Ang pighati’y mapapawi.
Sa ’l’walhati Niyang ngiti.
Maharlika’y tutungo,
Kasama Niya sa kahi’yan,
Hindi uurong tayo.
Pagd’rusa nati’y maikli,
’Pag dumating Siyang muli;
Ang pighati’y mapapawi.
Sa ’l’walhati Niyang ngiti.
6
At sa hukay, may pagtangis,
Buhay ay tumakas na,
(Kamanlalakbay, tinuring
Ka bang patay ng mundo?)
Tayo’y babangong kasama
Ni Hesus na mamuhay;
Masayang tatalikuran,
’Tinuring nilang buhay.
Buhay ay tumakas na,
(Kamanlalakbay, tinuring
Ka bang patay ng mundo?)
Tayo’y babangong kasama
Ni Hesus na mamuhay;
Masayang tatalikuran,
’Tinuring nilang buhay.
7
Sulong! at do’n ay magningning,
Palapit bawat araw,
Banal na lunsod, kay ganda;
Atin nang natatanaw;
Dinggin ang mayuming himig
Tinatanggap tayo Niya,
Upang iluklok sa trono
Do’n sa kaharian Niya.
Palapit bawat araw,
Banal na lunsod, kay ganda;
Atin nang natatanaw;
Dinggin ang mayuming himig
Tinatanggap tayo Niya,
Upang iluklok sa trono
Do’n sa kaharian Niya.
8
Malapit na ginigiliw!
Paa’y di na sasakit;
Wala nang sala at luha,
Maghunos, tumahimik;
Matamis ang pagbulong Niya,
“Huwag manghina’t matakot,
Marahil bago magbukas,
Lakbay ay matatapos!”
Paa’y di na sasakit;
Wala nang sala at luha,
Maghunos, tumahimik;
Matamis ang pagbulong Niya,
“Huwag manghina’t matakot,
Marahil bago magbukas,
Lakbay ay matatapos!”
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?