Hesus, Anak ng Tao Ka

B59 C57 CB61 E61 G61 K57 R395 S35 T61
1
Hesus, Anak ng Tao Ka,
Taglay Mo ang pagka-tao,
Isinilang ng dalaga,
May katawan—laman, dugo.
2
Naging abang alipin Ka,
Lumakad sa mundong api,
Tiniis lahat ng dusa,
Di-mabigkas na pighati.
3
Ika’y sanggol sa sabsaban,
Dukhang sa ilang tumubo,
Anluwaging nanungkulan,
Tila salarin, napako.
4
Binuhay Ka muli ng Diyos,
Pagka-tao taglay pa rin.
May anyo Ka ng pagka-Diyos,
Sa langit, Tao Ka pa rin.
5
Sa luklukan naghari Ka,
Tao Ka pa rin sa glorya.
Tao Kang kasama ng Diyos,
At kasiyahan Niyang lubos.
6
Sa l’walhati babalik Ka,
Tao pa ring mapakita,
Hari ng mga hari Ka
Na may pantaong esensiya.
7
Sa langit at lupang bago,
Sa lahat Ikaw ang sentro;
Magpakailanma’y dibino,
At umiiral na Tao.