Handog Kang pampayapa

CB1104 Cs31 E1104 G1104 P128 R154 S109 T1104
1
Handog Kang pampayapa
Ikaw Panginoon.
Aming kamay ipatong
Tunay naming kaisa.
Handog Ka namin sa Diyos
Sa tolda ng pulong
At Ama’y nagpipista
Pagkaing tamasa.
 
Kapayapaan ay Kristo
Papuri sa Iyo
Kapayapaang nabalik
Sa Diyos at sa tao.
2
Anong payapa natin
Sa dugong iwinisik.
Dugong handog pampayapa
Sa Diyos napayapa.
Isigaw sa kaaway
Ang  ating tagumpay
“Sa dugo ni Hesus ay
May kapayapaan!”
3
Handog na susunugin
At handog na pagkain
Batayang handog Hesus
Na tunay pampayapa.
Lalong ka’nin, inumin
Sa pagkatao Niya,
Lalong tamasahin Siya
Sa pistang sama-sama.
 
Anong pagsasalamuha
Sa Diyos at sa tao!
Sa pista’y nagagalak
Lahat bayan ng Diyos.
4
Diyos, mga saserdote
Tamasang panloob
Sa pagkaing kay tamis ng
Dibdib winagayway.
’taas kanang balikat
At purong tinapay
Handog ng saserdote
Bahaging mabuti.
5
Anong tamis pag-ibig
Dibdib winagayway
Kristong nabuhay muli
Nagtaas sa atin.
Balikat at tinapay
Lakas, pagkandili
Ng umakyat sa langit
Tulad Niya’y mamuhay.
6
Nagpipista kay Kristo
Ang mga nalinis!
Tunay na kaisahan
Pulong lamang daan.
Dalhin pasasalamat
At mamanata pa-
Tayo’y sa pagbabawi na
At Siya’y para sa ‘tin.