O lumalapit sa Ama

B43 C37 E43 F220 K37 LSM10 P30 S28 T43
1
O lumalapit sa Ama,
Nang dahil sa ngalan Niya.
Pagpala’y ibigay ngayon,
Sa aming pagtitipon.
Dugo naghugas sa sala,
Kaya’t nakadulog na;
Iyong Espiritu’y nagturo
Tawag “Abba Ama” ko!
2
Kami’y alibugha noon,
Hiwalay, walang layon.
Biyayang higit sa sala,
Nagligtas sa pagdusa.
Nadamtan ng kaligtasan,
Naupo sa may dulang.
Sa yaman ng Iyong biyaya,
Sama-samang magsaya!
3
Patawad sa alibugha,
Hinagkan pa ng Ama;
Kinatay para sa kanya
Ang pinatabang guya.
Sabi Mo, “Magalak tayo”
Dating patay anak ko
Ngayon muling nabuhay na
Ang nawala’y nakita!
4
Abba Ama, sambahin Ka,
Mga anghel namangha
Sa Iyong dunong at pagsinta,
Sa ’mi’y nakita nila.
Di lalao’y sa Iyong trono,
Ihahayag Ama ko:
Pag-ibig Mo sa pagtubos;
Pangalan Mo’y kay puspos!