Kasalanan, kamatayan

B31 C29 E31 K29 T31
1
Kasalanan, kamatayan,
Dati tayo’y tangan;
Sa Iyo utang namin lahat,
O Diyos ng biyaya.
2
Hinanap ng Iyong pag-ibig,
Kami’y inakit Mo;
Kay Kristo kami’y manalig,
At Siyang buhay namin.
3
Mga banal asa natin,
Anuman marating,
Kapag Hesus ay dumating,
Sa Kanya’y utang din.
4
Pag-ibig ng Diyos — dakila,
Ano ang kapalit?
Higit sa ’ming pag-unawa,
Banal! Di masambit!
5
Ama, malaman kong lalo:
Diyos na katulad Mo,
Nararapat na magtamo
Ng puso’t buhay ko.
6
Kung tao’y nais gantihan,
Yaring pag-ibig Mo,
Sa gayon siya’y sadyang mangmang
Sa l’wang, lalim nito.
7
Kaya di dapat tawaran
Mahal Mong pagsinta:
Pag-ibig Mong nagpasakit,
Sinong magkakamit?
8
Yayamang ang pag-ibig Mo’y
Di-mapapantayan,
Puri’t pasalamat sa Iyo
Walang katapusan.
9
Kami’y nagkautang sa Iyo,
Ama ng pagsinta,
Tanawing pasasalamat,
Bigay sa Iyo dapat.