Kasalanan, kamatayan

B31 C29 E31 K29 T31
1
Kasalanan, kamatayan,
Dati ako’y tangan
Utang sa Diyos ng biyaya
Ang lahat ko ngayon.
2
Habag Mo’y napaniwala
Kami na may sala;
Sa Iyong Kristo’y nabubuhay
Naging mapayapa.
3
Kami bilang mga banal,
Lahat umaasa,
Kapag Hesus ay dumating
L’walhati’y maningning.
4
Diyos kay lawak pag-ibig Mo,
Sinong makabayad?
Pag-ibig at biyaya Mo,
Tao’y di masaad.
5
Nawa sa akin ibigay,
Makitang malinaw,
Na lubusang malaman pa
Sa Iyo utang lahat.
6
Kung ang puso’y mag-akala
Pag-ibig Mo’y mabayaran
Nangangahulugan lamang
Pag-ibig di alam.
7
Kailanman huwag tawaran
Ang I-yong pag-ibig
Sa nawasak Mong puso
Sino ang tatamo?
8
H’wag imungkahi kailanman,
Pag-ibig tumbasan;
Namatay Siya para sa ‘tin
Puso’y  pagningasin.
9
O Amang Diyos utang sa Iyo!
Lahat naming taglay!
Sa harap Mo’y yumuyuko,
Salamat sa I-yo.