1
Purihin Ka sa Iyong awa,
Kay lalim, kay dakila
Sa ’ming kabigua’t hina,
Habag Mo ay sagana.
Awa Mo’y nagtaas sa ’min,
Dapat Ka ngang sambahin.
Kay lalim, kay dakila
Sa ’ming kabigua’t hina,
Habag Mo ay sagana.
Awa Mo’y nagtaas sa ’min,
Dapat Ka ngang sambahin.
2
Mangha kami sa Iyong awa,
Ang abot ay kay haba!
Sa aming makasalanan,
Habag Mo’y tumatangan.
Anong makapaghiwalay
Sa habag Mong ’binigay?
Ang abot ay kay haba!
Sa aming makasalanan,
Habag Mo’y tumatangan.
Anong makapaghiwalay
Sa habag Mong ’binigay?
3
O salamat sa Iyong awa,
Kay yaman, kay sagana;
Sa awang may katubusan,
Kami’y naalagaan.
Anong pag-ibig matamo
Kung di nga sa awa Mo?
Kay yaman, kay sagana;
Sa awang may katubusan,
Kami’y naalagaan.
Anong pag-ibig matamo
Kung di nga sa awa Mo?
4
Iyong habag may inspirasyon,
Matamis, mahinahon!
Sa Iyong habag natugunan,
Lahat naming kailangan.
Kalubusan ng Iyong awa,
Aming minahalaga.
Matamis, mahinahon!
Sa Iyong habag natugunan,
Lahat naming kailangan.
Kalubusan ng Iyong awa,
Aming minahalaga.
5
Tinatamasa Iyong awa,
Laging bago’t sariwa
Gaya’y hamog sa pagdating
Bawa’t umaga sa ’min.
Purihin Ka sa Iyong awa,
Nakapananariwa!
Laging bago’t sariwa
Gaya’y hamog sa pagdating
Bawa’t umaga sa ’min.
Purihin Ka sa Iyong awa,
Nakapananariwa!
6
Di mapatid ang papuri,
Sa awang namalagi.
Iyong biyaya’t pag-alaga,
Awa Mo’y nagtalaga.
Kailanma’y di mapahiya,
Sa ma’asahang awa!
Sa awang namalagi.
Iyong biyaya’t pag-alaga,
Awa Mo’y nagtalaga.
Kailanma’y di mapahiya,
Sa ma’asahang awa!
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?