Anong l’walhati ng ekklesi-a’t bahagi tayo -

CB1226 Cs508 D1226 E1226 F154 G1226 K998 LSM247 P394 R597 S373 T1226
1
Anong l’walhati ng ekklesi-a’t bahagi tayo -
Ginawang isa ng Pangino’n tayo!
May ’sang Katawan sa sansinukob’t bahagi tayo -
Ginawang isa ng Pangino’n tayo!
 
Aleluya sa Katawan!
Sangkap tayo ng Katawan!
Lubos para sa Katawan!
Ginawa tayong isa ng Pangino’n!
2
’Di na Kristiyanong indibid’wal, kundi sama-sama -
Tamuhin ng Diyos ang kahayagan Niya;
’Di ekklesiang isa-isa, kundi isang Katawan -
Aleluya, tayo’y nasa Katawan!
 
Aleluya sa Katawan!
Dyablo’y nanginig sa Kat’wan!
Tagumpay tayo sa Kat’wan!
Aleluya, tayo’y nasa Katawan!
3
May pitong dibinong gintong patungan-ng-ilawan -
Walang likas na bagay sa Katawan.
Kalikasan ng Diyos kabahagi’t kaisa natin -
Patungan-ng-ilawan nagniningning!
 
Aleluya sa Katawan!
Sa patungan-ng-ilawan!
Sa ginintuang Katawan!
Aleluya! Nagningning na ngayon!
4
Nagkakaisa, maging diibino’t nagniningning pa,
Sa pagkain kay Hesus nakukuha!
Siya ang puno ng buhay, piging, laging bago’t manna -
Aleluya, Siya’y kainin tuwina!
 
D’hil sa pagkain kay Hesus,
Nagkakaisa nang lubos!
Nagniningning at dibino!
Aleluya! Pagkain ang daan ko!