Awit ng buhay sa ekklesi-a’y napakinggan

CB1236 Cs716 E1236 G1236 R606 T1236
1
Awit ng buhay sa ekklesi-a’y napakinggan,
Kristo ang ating galak, Siya’y may kahayagan;
Babilonia’t sanlibutan tapos na sa atin,
Tayo’y nasa magandang lupain.
 
Nag-eeklesia tayo,
Sa ating espiritu;
Sa lupang-batayan nga,
Buo ’ting pamilya.
O, mga ekklesia’y kasama,
Aawit buong lupa:
Aleluya kay Kristong lupa!
2
Lahat ng doktrina’t lumipas, lubos iniwan;
Makamundong nasa at sala’y binitiwan.
Dakilang pag-ibig ni Kristo sa ’kin umapaw;
Kay Kristong lupa di na bibitaw.
3
“Aking ekklesia itatayo ko sa batong ’to”;
Nakita natin ang Kanyang layon at plano.
Mga sangkap sa katawan pinagkoordina,
Nang maitayo kay Kristong lupa.
4
Pagbabawi lumalaganap sa ’ting panahon;
Lahat ng ekklesia’y inutusan ang Poon:
“Punuan ang lupa ng dalangin at pagbasa
At Aleluya kay Kristong lupa!”