Pangino’n ng lahat ating awitan

Cs37 D1222 E1222 F152 S370 T1222
1
Pangino’n ng lahat ating awitan,
Siya’y sa Herusalem nananahan.
Kristo’y Hari, langit Kanyang luklukan,
Lahat Niyang gawa’y patotohanan.
O, kaligtasa’y mula sa Sion!
Mula sa pagkabihag inuwi!
Nagagalak, lubhang natutuwa,
Nagagalak, lubhang natutuwa!
2
Purihin si Kristo kapantay ng Diyos,
Para sa ’tin naging Taong lubos;
Nabuhay muli’t nasa luklukan na,
Kanyang yaman ating natamasa.
Purihin Siya nagpuspos sa lahat!
Tayo naging Kanyang kahayagan!
O, anong yaman na kahayagan,
O, anong yaman na kahayagan!
3
Sa ’spiritu ko, espiritu’y buhay;
Ritwal ng relih’yon walang saysay;
Siya’y tamasa ko sa bawa’t minuto,
Yaman Niya’y naging karanasan ko.
Sa ekklesia lokal, Siya’y purihin!
Lak’san ang awit sa espiritu!
Siya’y ’Spiritu, sa ekklesia’y Hari,
Siya’y ’Spiritu, sa ekklesia’y Hari!
4
Ekklesia’y mapuspusan luwalhati Niya,
Wagi, patotoo ng ekklesia;
Puno ang espiritu nagpupuri,
Kay Kristong Hari ng mga hari.
Bitiwan pagkamakasarili!
Ginabayan tayo ng ’Spiritu!
Magalak! Siya’y ating inaagos,
Magalak! Siya’y ating inaagos!
(Isinalin mula sa Intsik)
1
Juice

Yong O Kristong Hari para sa Pieyesta ng Christ the King