Diyos ay malakas na agos
Diyos ay malakas na agos
1
|
Diyos ay malakas na agos, Sa lahat ng panahon. Nang Siya sa tao’y umagos Naproceso Siya noon; Isang Diyos pa rin Siya ‘Sang agos kailanman; Nabuksan Niya’ng daan Nang tao’y agusan, Sa ‘ting loob umagos. |
2
|
Gaya’y ilog umaagos Sa simula ating Diyos. Ilog hatid ang puno, Dala Niyang buhay Siya mismo. Nanatili ilog Hanggang katapusan Agos Diyos Kordero, Lumago ang puno, Agos ang Diyos kailanman. |
3
|
Sa ‘sang tao Diyos umagos, Na Siyang si Kristo Hesus. Sa tao’y binigay buhay Niya, Buhay ng Diyos napalaya. Ang pag-agos ng Diyos Hadlang ma’y Satanas— Siya’y pinako sa krus Tagiliran ulos— Dugo’t tubig umagos! |
4
|
Dugo’t tubig na umagos Agos purong kaligtasan, Dugo’y naglinis ng sala; Tubig, muling pagsilang. Espiritu ngayon, Daloy Diyos saan man, Kaaway ginawang Agos mapalaya Patuloy agos ng Diyos. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?