Purihin Ka sa hiwaga

C448 CB609 E609 G609 K448 P315 R320 S288 T609
1
Purihin Ka sa hiwaga
Ika’y aking mahipo nga!
Di Ka malapitan noon,
Kay lapit ’Spiritu ngayon.
2
Ama, Anak, Espiritu,
Aking buhay Diyos Tres-uno;
Ikaw nga ang panustos ko
Nang maging banal tulad Mo.
3
Espiritu’y Diyos Tres-uno,
Hininga’t hangin dumapo;
Nang aking mararanasan
Dibinong kahiwagaan.
4
Lahat ng Ama’t sa Ama,
Nasa Anak sinisinta;
Lahat ng yaman ng Anak
’Spiritu nama’y tumanggap.
5
Sa ’kin bumaba, ’Spiritu,
Pumasok sa ’spiritu ko,
Amang nasa Anak na Siya,
Bahagi kong pinagpala!
6
Ama’y bukal, pinagmulan,
Anak nama’y kahayagan;
Kanyang daloy ang ’Spiritu,
Bilang katotohanan ko.
7
Sa Anak Ama’y dumating
Diyos sa tao’y mapapansin;
Anak bilang Espiritu,
Diyos nakilala sa lo’b ko.
8
Anak, nilayon ng Ama,
Sa tanang bagay manguna
Sa Anak, ang Ama’y Ulo,
Lahat sa Kanya’ng pamumuno.
9
Espiritu ay may mithi,
Kristo Anak mal’walhati;
Sa akin Siya’y ihayag Niya,
Nang mapatotohanan Siya.
10
Huli Mong anyo’y ’Spiritu,
Sa ’spiritu’y sinamba ko;
Sa ’spiritu kaugnayin,
Nang yaman Mo’y tamasahin.
11Sa ’spiritu sinamba Ka,
Sa ’spiritu mamuhay pa;
Mahipo Kitang ’Spiritu,
Maging tamasa’t tustos ko.