1
Mundo’y iwan, Kristo’y kamtan,
Sa puso ko, kasiyahan;
Tanging Kristo, aking mahal,
Ang mundo’y pawang sukal!
Sa puso ko, kasiyahan;
Tanging Kristo, aking mahal,
Ang mundo’y pawang sukal!
Ang yaman Niya di mabigkas
Nguni’t aking talastas;
Tamis Niyang kaaya-aya,
Aking natatamasa.
Nguni’t aking talastas;
Tamis Niyang kaaya-aya,
Aking natatamasa.
2
Mundo’y iwan, Kristo’y kamtan,
Walang ibang kailangan;
Mundo’y kamtan, may kulang pa,
Kristo’y kamtan, sapat na.
Walang ibang kailangan;
Mundo’y kamtan, may kulang pa,
Kristo’y kamtan, sapat na.
3
Munting puso di mapuno,
Malaki man ang mundo;
Munting puso’y laging salat
Kristo lang makasapat.
Malaki man ang mundo;
Munting puso’y laging salat
Kristo lang makasapat.
4
Kung may Kristo, nalulugod;
Walang Kristo, malungkot;
Kristo’y aking kayamanan;
At Siya’y aking tahanan.
Walang Kristo, malungkot;
Kristo’y aking kayamanan;
At Siya’y aking tahanan.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?