Mahimala, kay hiwaga!

C1005 CB1360 F214 LSM139 NS151 NS151de NS151ht R729
1
Mahimala, kay hiwaga!
Diyos sa tao’y nakiisa.
Naging tao ang Diyos natin,
Upang tayo ay maging Diyos din.
Mula sa Kanyang naisin;
Hanggang rurok ng layunin.
Mula sa Kanyang naisin;
Hanggang rurok ng layunin.
2
Naging laman Siya’y Diyos-tao
Nang maging Diyos naman tayo;
Sa buhay, likas tulad Niya,
Nguni’t di sa pagka-Diyos Niya.
O, ang Kanyang katangian,
Naging aking kagalingan;
Kanyang mal’walhating anyo,
Buháy na naihayag ko.
3
Di na mag-isang nabuhay,
Sa akin Diyos nabubuhay.
Sa Tres-unong Diyos tinayo,
Mga banal, bahay tayo,
Organikong Katawan Niya,
Sama-samang kahayagan.
Organikong Katawan Niya,
Sama-samang kahayagan.
4
Lunsod banal Herusalem
Pangitain, pahayag din;
Sukdulang kaganapan nga,
Sa Lunsod Banal lubos na.
Sa Tres-unong Diyos palagi,
Taong may tatlong bahagi;
Pagka-Diyos at pagka-tao,
Tahanan ng Diyos at tao!