Kay l’walhati, kay liwanag

C776 CB979 E979 K776 R724 T979
1
Kay l’walhati, kay liwanag,
Bagong Herusalem banal;
Tahanan ng Diyos at tao,
Nobyang dalisay ni Kristo.
2
Luma’t Bagong Tipang banal,
Siyang bumubuo sa lunsod;
Tinayong tagapagmana,
Diyos sa kanila’y tumira.
3
Lunsod perpektong kwadrado,
Haba, l’wang, taas—pareho;
Walang kulang, walang labis.
Pawang wasto, walang lihis.
4
Lansanga’y gintong taganas,
Gayang kristal namamalas;
Tinukoy dibinong buhay,
Kalikasan kanyang taglay.
5
Perlas tanang doseng pinto,
Tukoy pagtubos ni Kristo;
Ma’silang-muli’t ’transporma,
Pasok sa saklaw ng Diyos nga.
6
Doseng pundasyon ng pader,
Pawang mahalagang bato;
Dumaan sa init, gipit,
Halaga ay napahigit.
7
Jaspeng pader malakristal,
L’walhati ng Diyos natanaw;
Sum’nag mal’walhating ilaw,
Bilang jaspe Siya’y lumitaw.
8
Pader nakapaghiwalay,
Sa di malinis, di banal,
Ginto, perlas, batong-hiyas,
Taglay ng lunsod na wagas.
9
Diyos at Kordero ang Templo!
Mukha’y makita ng tao;
Parati ang presensya Niya,
Sa Kanya’y laging sasamba.
10
Sa lunsod ang araw at buwan,
Pawang hindi na kailangan;
L’walhati ng Diyos ang ilaw,
Kordero’y ilawang tanglaw.
11
Sa trono ng Kordero’t Diyos,
Ilog ng buhay umagos;
Magkabilang pampang nito,
Puno ng buhay lumago.
12
Sinagisag buhay ng Diyos,
Umaagos, may panustos;
Dala’y awtoridad ng Diyos,
Habang sa lunsod umagos.
13
Kalikasan ngang dibino,
Ang lansangang purong ginto;
Ilog ay maiinuman,
Bunga’y may kasaganaan.
14
Bilang na dose’y gobyerno,
At walang-hanggang kumpleto;
Diyos at tao naihalo,
Produkto ng tres por kwatro.
15
Kadiliman, walang puwang,
Kamatayan ni sakit man;
Lumang bagay lumipas na,
Diyos at tao magkasama.
16
Lunsod may larawan ng Diyos,
Awtoridad Niya’y natalos;
Tinutupad ang layon Niya,
Mabigyang-kasiyahan Siya.