Diyos bago mundo’y itatag

C597 CB823 E823 G823 K597 R559 T823
1
Diyos bago mundo’y itatag
Ekkesia ay hinirang
Kaisa sa pagka-anak
Walang dungis at banal.
Nang maangkin Niya ekklesia
Espiritu’y tinatak;
Garant’ya ng ating mana
Anak Niya’y hinahayag.
2
Kristo’y umakyat sa trono,
Nangibabaw sa lahat;
Diyos ginawa Siyang Ulo ng
Ekklesiang Katawan Niya.
Lahat-lahat pinupuno
Kapuspusan Niya’y hayag
Ekklesiang Kanyang Katawan
Hayag Kanyang larawan.
3
Noon patay sa pagsuway
Makamundo  ang buhay
Isip sa pita ng laman
Satanas pinagmulan.
Nabuhay na muling Kristo
Sa langit nakaluklok,
Obramaestrang likha tayo
Siya, kay Kristo nalugod.
4
Hudyo’t Hentil ‘sang katawan
Hiwaga ng Diyos nalaman,
Mga apostol pundasyon
Kristo’y batong panulok;
Nagtatayong sama-sama
Mahayag bahay ng Diyos
Diyos Espiritu’y naglapat
Upang malugod Siya.
5
Nilayon sa walang hanggan
Dunong Niya ay malaman,
Ekklesia, kubling hiwaga,
Anak makapanahan;
Banal nasa espiritu
Lawak Niya’y unawain,
Pag-ibig Nyang di-malirip
Kapuspusan maangkin.
6
Isang  katawan, pag-asa,
Esp’ritu, pananalig,
Panginoon, ang Anak,
Bautismo,  isang Ama,
Nang magkai-sa ekklesia
Kapuspusan ni Kristo
Malaman, di ang doktrina,
Makapagpapagulang.
7
Mga kaloob binigay
Ni Kristo sa Katawan,
Maitayo’t mapasakdal
Lahat ng mga banal.
Lumang tao ay hubarin
Ang bago ay suotin.
Bagong isip, espiritu
Wangis ng Diyos ay dalhin.
8
Kristo binigay Sarili
Mapabanal ekklesia,
Nang nobya Nya’y malwalhati
Walang kulubot, mantsa.
Kinandili, inaruga
Tulad ng katawan niya;
Nag-isang katawan sila
Dakilang hiwaga nga.
9
Katawan, bahay,  Ekklesia,
Bagong tao, nobya’t templo:
Hukbo rin nakikibaka
Sa kaaway manalo.
Suot kutamaya ng Diyos,
Mapwersa ang  lakas Niya
Manalangin sa paglaban
Panigan Panginoon.