Sa pagkabihag sa Babilonia

CB1252 Cs503 E1252 G1252 K999 S383 T1252
1
Sa pagkabihag sa Babilonia,
Kalat-kalat, di magkaisa!
Ang Panginoon nabigyang-sigla,
Pataas ating espiritu.
Bigyang-sigla!
Pataas aming espiritu!
2
Sa Babilonia, sekta’y marami,
Di-wasto at baha-bahagi,
Mga kapatid tayo’y bumangon,
Mula sa dibisyon bumangon!
Bangon! Bangon!
Mula sa dibisyon bumangon!
3
Namumukod-tanging kaisahan
Sa Jerusalem nasumpungan!
Tayo’y umakyat, Diyos ay kasama,
Mula sa ating pagkabihag!
Akyat! Akyat!
Tayo’y umakyat, Diyos kasama!
4
Mga sisidlan plato at mangkok
Puno ng Kristo’t Espiritu
Sa kalooban ng Panginoon
Dalhin ang lahat sa ekklesia!
Dalhin! Dalhin!
Ang sisidlan ng Panginoon!
5
Pili ng Diyos ang Jerusalem,
Ang templo ng Diyos ay itayo.
Nagkakaisa sa paglilingkod,
Ngayon templo’y itinatayo!
Nagtatayo!
Templo’y itinatayo ngayon!