Kay Kristo ang ekklesia

C596 CB822 E822 G822 K596 P376 R558 T822
1
Kay Kristo ang ekklesia,
Patungan-ng-ilawan nga;
Kristo’y ilawan, Diyos ilaw,
Ekklesia’y hawak ang tanglaw.
2
Ilaw sa ilawan silay,
Ang Diyos na dibinong buhay;
Patungan dapat na ginto,
Tugma sa l’walhati nito.
3
Sa panahon ng dilim nga’y
Ilaw ng buhay sisilay
Sa mga sentro ng tao
Itanghal ang patotoo.
4
Bilang dalisay na saksi,
Unang pag-ibig man’tili.
Sa “punong buhay” may-ani,
Mandaraig na bahagi.
5
Pag-uusig dapat batahin
Putong ng buhay maangkin;
Ang Babilonia’y talunin,
Nang “tagong manna” tamuhin.
6
Gawa ni “Jezebel” bit’wan,
Nang lupa’y mapagharian;
Sitwasyong patay daigin,
Kasuotang puti damtin.
7
Gayang “Filadelphia” siya
Hawakan Kanyang salita,
Ihayag Kanyang pangalan,
Kasama Niyang magpistahan.
8
Gayong mapadalisay siya,
Patungan-ng-ilawan nga
Yaring lantay na ginto,
Bilang patotoong puro.
9
Ekklesia lokal sa lupa,
Patungan-ng-ilawan nga;
Bagong Herusalem naman,
Para sa kawalang-hanggan.
10
Ang lunsod na purong ginto,
Kahuliha’t napasukdol;
Patungan-ng-ilawan din,
Diyos at Kristo’y taglayin.