Katawan ang kapuspusan

B428 C594 CB819 E819 G819 K594 P374 R329 S348 T819
1
Katawan ang kapuspusan
’Ting kahayagan,
Kay Kristo nama’y ekklesia,
Kahayagan Niya.
2
Eva kay Adam nagmula,
Siya’y bahagi niya;
Pagparami ni Kristo nga,
Kanyang ekklesia.
3
Binungang trigo’y marami
Ng isang binhi;
At nabuong tinapay nga,
Nang pinagsama.
4
Kaya’t si Kristo’y lumaki
Diyos nal’walhati;
Bilang ekklesiang Katawan,
Siyang kahayagan.
5
Paglaganap ng puno nga,
Ay mga sanga;
Sa puno ay manatili,
Bunga’y darami.
6
Ang mga sangkap ni Kristo,
Kanyang paglago;
Makipag-isa sa Kanya,
Palawakin Siya.
7
Kapuspusan at pagdami,
Kanyang paglaki;
Pagpapatuloy, tularan,
’Nong kahayagan!
8
Kay Kristo’y ekklesia’y tangi,
Diyos mal’walhati;
Sa Kanyang mga tinubos,
’Hayag Siyang lubos.
9
Kaya’t Kristo at Ekklesia,
Dak’lang hiwaga;
Diyos at tao pinaghalo,
Nagkai-sang lalo.