1
Sa trono ng biyaya Mo,
Awa’t tulong nakamit ko,
Kagyat kong kailangan ito
Sa puso at espiritu.
Awa’t tulong nakamit ko,
Kagyat kong kailangan ito
Sa puso at espiritu.
2
Iyong mukha rito’y namasdan,
Puso ko ay inilawan,
Sa sinag ng kagalingan,
Puksa aking kapintasan.
Puso ko ay inilawan,
Sa sinag ng kagalingan,
Puksa aking kapintasan.
3
Dahil sa Iyong pagliwanag,
Nilantad ’king kalagayan;
Bisa ng dugo’y nahayag,
Sala ko ay nahugasan.
Nilantad ’king kalagayan;
Bisa ng dugo’y nahayag,
Sala ko ay nahugasan.
4
Unggwento Mo ang naghimo,
Elemento Mo’y natamo;
Ikaw ang natamasa ko,
Iyong mithi’y aking nahipo.
Elemento Mo’y natamo;
Ikaw ang natamasa ko,
Iyong mithi’y aking nahipo.
5
Pagbasa ko ng Bibliya
At pagsindi ng ilawan;
Espiritu langis tila,
Salita Mo’y tinanglawan.
At pagsindi ng ilawan;
Espiritu langis tila,
Salita Mo’y tinanglawan.
6
Panalangin ko’y tulad ng
Saserdoteng nag-insenso,
May halong Kristong kamanyang,
Ihandog sa Diyos ang samyo.
Saserdoteng nag-insenso,
May halong Kristong kamanyang,
Ihandog sa Diyos ang samyo.
7
Salita Mo ay pagkain
At ilawan, aking lubos,
Lalo kong basahin, kanin,
Mas may pahayag at tustos.
At ilawan, aking lubos,
Lalo kong basahin, kanin,
Mas may pahayag at tustos.
8
Kristo ang tubig na buhay,
Nagpaangkop, nagpasigla,
Dalangin, inom na panay,
Samyo’t agos naging bunga.
Nagpaangkop, nagpasigla,
Dalangin, inom na panay,
Samyo’t agos naging bunga.
9
Tungo sa Diyos kamangyan Ka,
Sa Iyo pagtanggap kumpleto;
Manalanging higit nais ko pa,
Samyong kay tamis alay ko.
Sa Iyo pagtanggap kumpleto;
Manalanging higit nais ko pa,
Samyong kay tamis alay ko.
10
Ako’y busog sa pagbasa,
Uhaw pawi sa dalangin;
Sa loob tinamasa Ka,
Palabas Kang paagusin.
Uhaw pawi sa dalangin;
Sa loob tinamasa Ka,
Palabas Kang paagusin.
11
Sa panalangin-pagbasa,
Nakasalamuha Kita;
Ako’y ibabad Mo nawa,
Mula sa ’kin umagos Ka.
Nakasalamuha Kita;
Ako’y ibabad Mo nawa,
Mula sa ’kin umagos Ka.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?