Espiritu at Salita
Espiritu at Salita
1
|
Espiritu at Salita Ay kapwa si Kristo Mismo; Ang salitang sinabi Niya Ay buhay at espiritu. |
2
|
Sa panlabas taglay Biblia, Sa loob Espiritu nga; Mga kaloob dakila, Ng Diyos ating matamasa. |
3
|
Salita hayag ’Spiritu, Espiritu’ng real’dad nga; Dal’wang aspekto ng isa, At di dapat hiwalay nga. |
4
|
Biblia’y naging buhay sa iyo, Sa tanglaw ng Espiritu; Kung dalawa’y magkalayo, Sa isip lang pagkatanto. |
5
|
Salita’y naging ’Spiritu, Pag sa ’spiritu hinipo; Hayag sa ’tin Espiritu Buhay sa iba’y magtungo. |
6
|
Sanayin ang espiritu, Biblia ng Diyos ay tanggapin; Pag pinalaya’ng ’Spiritu, Ang dal’wa’y isa sa atin. |
7
|
Nawa sa ’kin Iyong Salita, Maging ’Spiritu’t buhay nga; ’Spiritu Mo sa Salita, Kahayagan kong tunay nga. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?