Kasulatan ay hininga ng Diyos

B420 C579 CB799 E799 G799 K579 P364 R538 S339 T799
1
Kasulatan ay hininga ng Diyos,
Sa ’Spiritu salita’y in’hinga;
Sinulat ng maka-Diyos na tao,
Kapuspusan ng Diyos ’pinamana.
2
Hininga ng Diyos bilang liwanag,
Mga tao ay iniilawan;
Sa karimlan tao’y inilantad,
Tunay niyang kailanga’t kalagayan.
3
Ang hininga ng Diyos bilang buhay,
Binahagi’y likas na dibino;
Patay-binuhay, ’sinilang-muli,
Puso’t kaluluwa’y binabago.
4
Hininga ng Diyos ay karunungan,
Turo ay dibinong kaalaman;
Hinayag layon ng Panginoon,
At hantungan ng Diyos ay maratnan.
5
Hininga ng Diyos ay kalakasan,
Kapangyarihan ay dinadala;
Mahina’t lupaypay pinalakas,
Sa layon ng Diyos tao’y iakma.
6
Langhapin natin hininga ng Diyos,
Diyos bahagi nati’y matamasa;
Sa ’spiritu, tinatanggap ito,
Sa kailangan, magamit yaman Niya.