Transmisyon ng Diyos—’Spiritu
Transmisyon ng Diyos—’Spiritu
1
|
Transmisyon ng Diyos—’Spiritu, Diyos pumasok sa loob ko; Diyos na nasa lo’b ni Kristo, Sa ’spiritu naranas ko. |
2
|
Diyos Ama ang pinagmulan, Diyos Anak ang kahayagan; Nang pumasok Diyos ’Spiritu, Diyos bilang lahat angkin ko. |
3
|
Ama no’n di malapitan, Anak dala’y kahayagan; Espiritu siyang naghatid, Nang Diyos lubos kong mabatid. |
4
|
Ama nasa lo’b ng Anak, Naging ’Spiritu ang Anak; Ama, Anak, Espiritu, Nasa loob ko’t kai-sa ko! |
5
|
Ama nasa lo’b ng Anak, Nai-sakatawan, nahayag; Realidad ang ’Spiritu, Biyayang aking natamo. |
6
|
Pag-ibig nga ng Diyos Ama, Nasa Anak maging b’yaya; Salamuha’y sa ’Spiritu, Diyos bahagi ko’y matamo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?