Sa lihim ng presensya Niya

B323 C415 CB553 E553 K415 R103 T553
1
Sa lihim ng presensya Niya,
Natamo ang pahinga;
Natutuhan mahalaga,
Sa harap Niya’y sumamba.
Panlupang alalahanin,
Di ako gugupuin;
Sa dakong lihim tutungo,
T’wing dyablo’y nanunukso.
2
Nang sa lilim ng pakpak Niya,
Pagod, uhaw ’king dala;
Tamo’y pahinga’t ginhawa,
Tubig buhay sariwa.
Tagapagligtas at ako,
Salamuha’y kay bango;
Di mabigkas ng salita,
Bagaman natikman na.
3
Nguni’t may ’sang aking batid,
Nang hapis ’pinahatid;
Mat’yaga Niyang pakikinggan,
At Kanyang uudyukan.
Di Siya tunay na kai-bigan,
Kung di Niya pagwikaan;
Ako sa nagawang sala,
Na di ko nahalata.
4
Dakong lihim anong tamis,
Kung mabatid Iyong nais;
Manirahan sa lilim Niya,
Matitikman ang lasa.
’Spiritu mo’t ’Spiritu Niya,
Sa glorya Niya tumira;
Mal’walhating larawan Niya,
Ma’ninag sa iyong mukha.
(Ulitin ang huling linya ng bawa’t saknong)