Tanging Hesus, ating paksa
Tanging Hesus, ating paksa
1
|
Tanging Hesus, ating paksa, Siya’ng tanging mensahe rin; Tanging Hesus itaas nga, Siya’ng pagmasdan at sundin. |
Tanging Hesus, laging Hesus, L’walhatiin si Hesus, Manggagamot at Manunubos, Buhay natin, Hari, Diyos. |
|
2
|
Tanging Hesus, Manunubos, Pinasan ang sala ko; Sa walang hanggang pagtubos Biyaya’y natamo ko. |
3
|
Tanging Hesus, Nagpabanal, Sala’t sarili’y talo; Ang Espiritu Mong mahal, Nagpuspos sa puso ko. |
4
|
Tanging Hesus, Manggagamot, Sakit ko ay pinaram; Buhay, kapuspusa’y dulot Sa sangkap ng Katawan. |
5
|
Tanging Hesus, kalakasan, Pentecostes ’binigay; Espiritu, kami’y hipan, Lakas aming mataglay. |
6
|
Hesus, hinihintay natin, Pagdating Niya’y makita; Hesus hanggang sa wakas din, Tanging Hesus, lahat Siya. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?