1
Di batas ng titik, kundi si Kristo
Ipinagkaloob sa atin ng Diyos;
Hindi ang doktrina, tanging Kristo nga
Ang nagpapalaya sa ating sala.
Ipinagkaloob sa atin ng Diyos;
Hindi ang doktrina, tanging Kristo nga
Ang nagpapalaya sa ating sala.
2
Anumang uri ng porma at turo
Di kayang buhayin ang espiritu;
Ang buhay na Kristo nagbigay-buhay,
Diyos at Kanyang mithi, maipamuhay.
Di kayang buhayin ang espiritu;
Ang buhay na Kristo nagbigay-buhay,
Diyos at Kanyang mithi, maipamuhay.
3
Ni pilosopiya ni ang etika
Makapaghugis ng mga sangkap Niya;
Si Kristo sa pagkabuhay-na-muli
Ang nagbuo ng Katawan Niyang tangi.
Makapaghugis ng mga sangkap Niya;
Si Kristo sa pagkabuhay-na-muli
Ang nagbuo ng Katawan Niyang tangi.
4
Ni an’mang relihiyon ni Kristiyanismo,
Mabibigyan ang Diyos ng Kanyang gusto;
Kundi si Kristong sa aki’y nanahan,
Nilugod ang Diyos, tinupad ang tipan.
Mabibigyan ang Diyos ng Kanyang gusto;
Kundi si Kristong sa aki’y nanahan,
Nilugod ang Diyos, tinupad ang tipan.
5
Mga tungkulin at mga kaloob
Di ma’aring humalili kay Kristo;
Si Kristo ang tangi kong nilalaman,
Si Kristo ang tangi ko ring kailangan.
Di ma’aring humalili kay Kristo;
Si Kristo ang tangi kong nilalaman,
Si Kristo ang tangi ko ring kailangan.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?