Diyos, kami’y sumasamba

B49 C42 E49 K42 T49
1
Diyos, kami’y sumasamba,
Yukong nagpipitagan;
Samo’y Hesu-Kristo nga:
Ama, sambahin Ka.
2
Pag-ibig kay dakila,
Handog, nang namatay Siya;
Ang hiling nabigyang-siya:
Ama, sambahin Ka.
3
May salang dating sukal,
Ngayo’y anak may rangal
Kay yaman ng biyaya:
Ama, sambahin Ka.
4
Sa katotohanan nga,
Sa ’spiritu sumamba;
Papuri insenso nga:
Ama, sambahin Ka.
5
Ihandog naming muli,
Malalim na papuri,
Ngayon at walang hanggan:
Ama, sambahin Ka.