Di namamatay, Diyos di masilayan

B14 E14 P8 R10 T14
1
Di namamatay, Diyos di masilayan,
Nasa liwanag na di-malapitan,
Pinagpala, mal’walhating “Siyang Una”,
Papurihan Iyong Pangalang dakila.
2
Di namamahinga’t nagmamadali,
Ika’y sa kapangyar’han naghahari;
’Sintayog ng bundok katarungan Mo,
Bukal ng buti’
¦t pag-ibig, ulap Mo.
3
Nabubuhay Ka sa buhay ng lahat;
Buhay ay Iyong ’binibigay sa lahat,
Kami’y yumayabong at nalalanta,
Nguni’t makapagbago sa Iyo’y wala.
4
Ama ng liwanag, Ama ng glorya,
Iyong mga anghel sa Iyo’y sumasamba;
Sa Iyo ibibigay tamang papuri,
Makita lang ningning ng Iyong luwalhati.
5
Ang Diyos na marunong, di-nakikita,
Nakakubli sa paningin ng mata.
Pinagpala, mal’walhating “Siyang Una”
Papurihan Iyong Pangalang dakila.
1
Henry

Igwuruta-Ali, Rivers State

A very beautiful soul lifting song! I remember my Principal, Sam Okolo, back in d 70s, at St Paul's Ang. Grammar School, Igarra, during morning devotion. Blessed sweet old memory!! Today, 8/9/2024, I proudly sang stanzas 1 to d members of MFM Hse Fellowship, offhand, when d hse fellowship leader, Bro. Charles, asked for it. Praise be to God.