Bakit ako manlalamig
Bakit ako manlalamig
1
|
Bakit ako manlalamig Sanhiin Kang mapighati Ika’y paghintayin? Nais Kitang mabalikan Hinding-hindi talikuran, At laging susundan. |
2
|
Nais kong ialay sa Iyo, Ang buo kong pagkatao, Mundo ma’y maglaho, Nawa ako’y Iyong tanggapin Ang kalooban Mo’y sundin Lagi kong hangarin. |
3
|
Lumingon man nagsisisi, Naligtas ko’y kakaunti Lungkot di mawari. Hesus, ako’y Iyong pahiran, Katauhan ko’y babaran. Maging Iyong daluyan. |
4
|
Biyayang binigay lubha, Higit pa sa kaibigan Ka; Maging nobya Mo Nga. Bahagi ko ay buhay Niya, Makaisa Kanyang dusa, Krus tanggaping kusa. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?