Buhay Mo’y sa akin
Buhay Mo’y sa akin
1
|
Buhay Mo’y sa akin, Dugo Mo’y binuhos; Nang ako’y tubusin, Buhayin nang lubos. Buhay Mo’y ibinigay sa ’kin; Anong Iyong tatanggapin? |
2
|
Mahahabang taon, Ang Iyong ginugol din; Upang magkalaon L’walhati’y sa akin. Taon ginugol Mo sa akin, Ako ba’y gumugol din? |
3
|
Lukluka’t tahanan Ng Ama’y iniwan; Madilim na lunan Sa lupa’y tirahan. Lahat nilisan para sa ’kin; Ako ba’y naglisan din? |
4
|
Lahat pinasan Mo - Hirap ko’t lunggati, Nang ako’y matamo, Ligtas sa pighati. Nagdusa Ka para sa akin; Ako ba’y nagdusa rin? |
5
|
At ako’y dinalhan, Mula sa itaas, Aking kaligtasan, Malaya at wagas. Lahat inihandog Mo sa ’kin; Ako ba’y naghandog din? |
6
|
Buhay ko ay sa Iyo, Taon ko ay ialay; Sa mundo’y lalayo, T’wa’t hirap siyang buhay. Lahat Mo’y ibinigay sa ’kin, Lahat ko’y sa Iyo na rin. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?