Sino ang sa panig ng Panginoon
Sino ang sa panig ng Panginoon
1
|
Sino ang sa panig ng Panginoon? Sumunod, mamuhay lagi sa Kanya? Para kay Hesus handa siyang sumulong? Mundo’y itakwil at makipagbaka? |
Dahil sa biyaya at Iyong pagtubos, Kami’y sa Iyong panig, Panginoong Diyos. |
|
2
|
Sa hukbo umanib, makipagbaka, Di para sa putong o luwalhati, Kundi sa pag-ibig at biyaya Niya, Sa Kanya ako ay dapat kumampi. |
3
|
Tinubos Mo upang maging Iyong bayan, Di ng ginto’t pilak, kundi ng dugo; Sa sumunod, biyaya’y walang-hanggan, Malayang sumulong at taos-puso. |
4
|
Mabagsik man ang laban o kaaway, Hukbo ng Panginoon ay matatag; Sa pamumuno Niya’y t’yak ang tagumpay, Katapatan, kapanaiga’y hayag. |
5
|
Hinirang na kawal sa paglalaban, Tinawag at tapat sa Kanyang hukbo; Di-manlalamig, Hari’y paglingkuran, Maging matapang tunay, tapat, wasto. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?