Sino ang sa panig ng Panginoon

B271 C350 CB469 E469 G469 K350 P211 R322 T469
1
Sino ang sa panig ng Panginoon?
Sumunod, mamuhay lagi sa Kanya?
Para kay Hesus handa siyang sumulong?
Mundo’y itakwil at makipagbaka?
 
Dahil sa biyaya at Iyong pagtubos,
Kami’y sa Iyong panig, Panginoong Diyos.
2
Sa hukbo umanib, makipagbaka,
Di para sa putong o luwalhati,
Kundi sa pag-ibig at biyaya Niya,
Sa Kanya ako ay dapat kumampi.
3
Tinubos Mo upang maging Iyong bayan,
Di ng ginto’t pilak, kundi ng dugo;
Sa sumunod, biyaya’y walang-hanggan,
Malayang sumulong at taos-puso.
4
Mabagsik man ang laban o kaaway,
Hukbo ng Panginoon ay matatag;
Sa pamumuno Niya’y t’yak ang tagumpay,
Katapatan, kapanaiga’y hayag.
5
Hinirang na kawal sa paglalaban,
Tinawag at tapat sa Kanyang hukbo;
Di-manlalamig, Hari’y paglingkuran,
Maging matapang tunay, tapat, wasto.