Ama sa pagsinta Iyong ’binigay

B44 E44 T44
1
Ama sa pagsinta Iyong ’binigay,
Anak mo sa ’min upang mamatay,
Para sa amin Siya’y sumasamo,
Kami’y lumapit sa ’sang ’Spiritu,
Kanin tinapay, inumin saro,
Sinasamo Kanyang sakripisyo.
2
Hindi karapat-dapat matawag,
Na kami nga ay Iyong mga anak;
Nguni’t tingnan kaming namighati,
Ikaw manananggol, saserdote;
Iyong damit awa ang pumalibot
Pektoral ay habag di matarok.
3
Kami’y pakinggan gaya sa Kanya
Kami’y masdan, may dugong mahal Niya,
Sa gitna ng kerubin sumilay,
Pagkaing makalangit ibigay
Nang matikman darating l’walhati
Pagpala ng Ama’t Kanyang ngiti.
4
Ama sa Iyong luklukan ng awa,
May garantiya’t lalong malaya
Aming puso sa Iyo’y inialay,
Pati lahat naming tinataglay.
Kusang loob na Ika’y handugan,
Maging ang papuring walang hanggan!