Dahil sa katuwiran Mo
Dahil sa katuwiran Mo
1
|
Dahil sa katuwiran Mo, Pagsamba namin ay Iyo; Kay Kristo Iyong binigyan Kami ng katuwiran. Naging matuwid kay Kristo, Di nabagbag budhi ko. Sa tapat na katwiran Mo, Kami ay nakatayo. |
2
|
Napakay Hesus ’ming sala, Mat’wid na pinatay Siya; Ang hiling ng kautusan, Natupad nang lubusan. Natubos dahil sa Kanya, Kaya ’ko’y napalaya Pa’nong sisingilin ako. Ng Diyos na mat’wid mismo? |
3
|
’Halili nami’y si Hesus, Iyong tinanggap Amang Diyos, Hinatulan ang matuwid, Para sa di-matuwid. Lumuklok Siya sa Iyong kanan, Saksi ng Iyong katwiran; Binigyan Kang kasiyahan Angkop sa Iyong kai-langan. |
4
|
Dahil sa dugo ni Hesus, Katwira’y aming lubos; Sa loob ng katwiran Mo, Naging matatag ako. Kami’y naging Iyong katwiran, Di na mahahatulan, Hanggang Herusalem Bago, Ito’y ’ming patotoo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?