Manliligtas umakyat na
Manliligtas umakyat na
1
|
Manliligtas umakyat na Sa langit naluklok pa, Putong ay l’walhati’t dangal Mula sa Amang mahal; Ginawang Ulo sa lahat, Nang Diyos Kanyang mahayag. |
2
|
Mula sa um’kyat na Kristo Binuhos ang ’Spiritu, Nang Katawan nabuhusan Sangkap Niya’y binihisan; Panginoon ng tanan Siya, Sa ekklesia’y masamba. |
3
|
Nang naging laman si Kristo Diyos dinala sa tao, Sa kam’tayan, pagkabuhay Tao’y sa Diyos, dinala. Pag’halo ng Diyos at tao, Natupad sa loob Mo. |
4
|
Umakyat sa kataasan Naupo sa luklukan, Hari ng mga hari Siya Awtoridad ay Kanya; Sa pagbuhos ng ’Spiritu, Ito’y napatotoo. |
5
|
Sa pagbuhos ng ’Spiritu Sa ekklesia’y dumapo, Sa lo’b ng ’Spiritu Santo Ekklesia’y nabautismo; Bautismo sa Espiritu, May bahagi ka’t ako. |
6
|
Purihin may katuparan Minsan at palagian, Aleluya, ’ting nakamit Dakila ma’t maliit; Lahat ng mga sangkap Mo, ’Spiritu’y nagbautismo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?