’Pinaglihi ng ’Spiritu

C221 CB272 E272 K221 P149 S131 T272
1
’Pinaglihi ng ’Spiritu,
Naging tao si Kristo;
At bago nga Siya naglingkod,
’Spiritu ang nagpuspos.
Sa simula ng serbisyo,
’Spiritu’y nagbautismo;
Siya ay naramtan ng lakas,
Nagmula sa itaas.
2
Pedro’t mga disipulo,
’Sinilang ng ’Spiritu;
’Spiritu Kanyang hininga,
Nilanghap naman nila,
Nguni’t tinanggap bautismo
Ng ’Spiritung binubo,
Naramtan at naging handa,
Ministeryo’y magawa.
3
Taga-Samaria’t si Saulo,
Banal taga-Efeso;
’Sinilang ng Espiritu,
Pinanahanan Nito.
Nang may taong nagpatong nga,
Ng kamay sa kanila;
Espiritung nagbautismo,
May lakas nagserbisyo.
4
Tayo’y sumampalataya,
Naisilang-muli nga;
At umiinom sa Kanya,
Laging tinatamasa.
Pagbautismo ng ’Spiritu,
Dapat maranasan ko;
Tao’t Diyos, mapaglingkuran,
Lakas ako’y maramtan.
5
Pangino’n, maranasan ko,
Bautismo ng ’Spiritu;
Lakas ako’y damitan Mo,
Nang ekklesia’y matayo.
Ngayon padanasin ako,
Ito ang hiling sa Iyo;
Masaganang pagbautismo
Pagbuhos ng ’Spiritu.