Hesus galak ng puso ko

B102 C172 E205 K172 T205
1
Hesus galak ng puso ko,
Bukal ng buhay, liwanag,
Tuwa’y bigay man ng mundo,
Kami’y bumabaling sa Iyo.
2
Katotohanan matatag;
Sa Iyo ligtas pag tumawag;
Mabuti Ka’t lahat-lahat,
Sa nakasumpong sa Iyo.
3
Pan ng buhay natikman Ka
Nais Ka ring makapiging
Bukal ng tubig inumin,
Kalulwang uhaw punuin!
4
Espiritu ko’y nais Ka,
Sa nagbabagong tadhana
Nagagalak sa Iyong ngiti
Mapalad pag nagtiwala.
5
Poon, lakas, pahinga Ka!
Lahat namin payapain,
Saktan dilim ng isipan,
Banal na ilaw sinagan.