Poon, Ikaw ay Alpha
Poon, Ikaw ay Alpha
1
|
Poon, Ikaw ay Alpha, Ikaw ri’y Omega; Sa Iyo’y walang nauna, Kasunod Mo’y wala. Tanging Simula Ka nga, Katapusan Ka pa; Sa Iyo lahat nagbuhat, Napalo’b ang lahat. |
2
|
Lahat sa Iyo nagmula, Dahil Ika’y Alpha; Lahat sa Iyo humangga, Dahil Omega Ka. Lahat binubuo Mo, Alpabetong buo; Tanang titik ay Ikaw, Lahat Iyong sinaklaw. |
3
|
Una Ka sa nilikha, Ulo ng lahat nga; Lahat sa Iyo tinapos, Ikaw ang pag’tapos. Lahat sa Iyo’y nagmula, Umasa nilikha; Sa Iyo umiral tanan, Huli sa nilalang. |
4
|
Yamang Ika’y Simula, Sa lahat Una Ka; Yamang katapusan Ka, Tagapagmana Ka. Bukod tanging Simula, Pinagmulan Ka nga; Tangi Kang katapusan, Ikaw ang hantungan. |
5
|
Poon, mahal Ka namin, Minahalaga rin; Sa ’taas ng lahat Ka, Alpha at Omega. Purihin, Simula Ka, Tatawaging Una; Katapusa’y sambahin, Pinakahuli rin. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?