Araw ng katuwiran Ka
Araw ng katuwiran Ka
1
|
Araw ng katuwiran Ka, Pakpak panlunas pa; Mal’walhati Mong pagsilay, May payapa’t buhay. |
2
|
Diyos ng pag-ibig at awa, Pinaparito Ka; Nang mga sa kadiliman, Iyong maliwanagan. |
3
|
Umagang walang ulap Ka. Sinag ng umaga; Kami’y gayang lunting damo Sa Iyo lumalago. |
4
|
Magiliw na pagsilay Mo, Sinikatan ako; Patungo ang pagliwanag, Sa tanghaling tapat. |
5
|
Ang pagsilay ng liwanag, Nilampasang hirap; Dala’y pag-ibig at habag, Tuloy na pagsikat. |
6
|
Ika’y tala sa umaga Aming gantimpala; Sinilayan, mga sa Iyo Umibig nang husto. |
7
|
Sa liwanag paibigin, Mata ko’y linawin; Magbantay at manalangin, Ikaw ay hintayin. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?